Learn Filipino | FilipinoPod101.com

Learn Filipino | FilipinoPod101.com


Extensive Reading in Filipino for Intermediate Learners #14 - Big Cats

September 30, 2019

Learn Filipino with FilipinoPod101!
Don't forget to stop by FilipinoPod101.com for more great Filipino Language Learning Resources!

-------Lesson Dialog-------

----Formal Filipino----

MGA MALALAKING PUSA
MGA PUSA
Mayroon ka bang pusa?
Kung mayroon, alam mong sila ay magagandang hayop na may malambot at makintab na balahibo.
Mayroon silang malakas na katawan at kayang gumalaw ng mabilis at ng walang hirap.
Ang lahat ng mga pusa ay karne ang kinakain.
Sila ay magagaling sa panghuhuli na may matalas na ngipin at mga kuko.
Mayroong halos apatnapung uri ng wild cat.
Sila ay magkakaiba ng sukat, kulay at anyo.
Ang mga pusa ay nakatira sa halos lahat ng lugar sa buong mundo.
Nanggaling sila sa halos bawat kontinente maliban sa Australia at Antartika.
MGA MALAKING PUSA, MGA MALIIT NA PUSA
Paano natin masasabi ang kaibahan ng mga malaking pusa sa maliit na pusa?
Ang maliliit na pusa ay may matigas na buto na konektado sa kanilang dila hanggang sa ngala-ngala.
Sa malalaking pusa, ang bahagi ng buto na iyon ay kayang bumaliko.
Dahil dito, ang malalaking pusa ay kayang mag-roar, ngunit hindi nila kayang mag-purr tulad ng mga pusa sa bahay.
Tatlong mga pusa sa librong ito — mga cheetah, mountain lion, at snow leopards — ay kayang mag-purr, ngunit di nila kayang mag-roar.
Ang mga clouded leopard ay hindi kayang mag-purr o mag-roar.
Ang mga mananaliksik ay kadalasang pinapangkat ang apat na pusang ito kasama sa mga malalaking pusa.
Pag-aralan natin kung ano ang kakaibang katangian ng mga malalaking pusang ito.
MGA TIGRE
Ang mga tigre ay ang pinakamalaki at pinakamalakas na pusa.
Isa din sila sa pinakamagandang hayop sa Mundo.
Ang kanilang makapal at maitim na guhit at pinaghalong pula at kahel na balahibo ang nag-aangat sa kanila mula sa iba pang mga hayop.
Maraming iba't-ibang uri ng tigre ang nakatira sa maraming bahagi ng Asya.
Ang mga wild tiger sa ngayon ay nakatira na lang sa ilang maliliit na lugar.
Ang mga tigre ay nanganganib ng maubos — at nanganganib ng maubos ng tuluyan.
Halos umaabot na lang sa tatlong libo ang mga wild tiger na natitira.
MGA LEON
Ang mga leon ay ang tanging pusa na nabubuhay ng magkakasama.
Sila ay nabubuhay sa isang grupo na tinatawag na pride.
Ang mga leon ay ang tanging pusa na kayang pumatay ng mas malalaking hayop kesa sa kanila.
Kaya nila itong gawin dahil sila ay nanghuhuli ng magkakasama.
Ang mga babae ang madalas na nanghuhuli.
Ang mga leon ay dating nakatira sa buong Europa, Asya, at malaking bahagi ng Aprika.
Ngayon, sila ay nakatira na lamang sa ilang bahagi ng Aprika at isang gubat ng India.
Sila ay nakatira sa mga damuhan — patag at madamong lugar na walang maraming mga puno.
MGA JAGUAR
Ang mga jaguar ay nakatira sa mga kagubatan.
Sila lamang ang malaking pusa na nakatira sa Amerika.
Sila ay nakatira sa Mexico at sa Sentro at Timog Amerika.
Sila din ay dating nakatira sa timog-kanluran ng Estados Unidos.
Ang mga batik ng jaguar ay tinatawag na mga rosette.
Ang mga rosette ay kamukha ng mga maliliit na bulaklak.
Ang mga hugis na ito sa kanilang balahibo ang tumutulong sa mga jaguar na magtago habang sila ay nanghuhuli.
Ang mga leopard at snow leopard ay may mga rosette din.
MGA ITIM NA PANTHER
Ang ilang mga jaguar ay kulay itim.
Ang tawag sa kanila ay mga itim na panther.
Ang ibang itim na panther ay nakatira sa Asya at Aprika.
Sila ay mga itim na leopard.
Ang parehong uri ng itim na panther ay may mga batik, pero ang mga batik ay mahirap makita.
MGA LEOPARD
Ang mga leopard ay nakatira sa Aprika at timog Asya.
Sila ay nakatira sa mga gubat, damuhan, at mabatong lugar.
Ang mga leopards ay malaki ang pagkakahawig sa mga jaguar, ngunit sila ay mas maliit at maliksing gumalaw.
Ang mga leopard ay hindi kasing tapang ng mga jaguar.
Ang mga le [...]